Kamusta mga ka-daddy! Sa blog na ito, kami ay may hinanda na 50 best tagalog dad jokes na tiyak na magpapatawa at magpapalakas ng inyong araw! Bilang isang tatay, isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng ating buhay ang pagbibigay ng ligaya sa ating pamilya, lalo na sa pamamagitan ng mga biro. Kaya naman, nais kong ibahagi ang ilan sa mga paborito naming dad jokes na tiyak na magpapasaya sa inyo. 

50 best tagalog dad jokes:

  1. Bakit bawal ang mga kalbo sa swimming pool? Kasi magmumukha silang squidballs
  2. Bakit ang cellphone ay hindi maingay? Kasi, 'silent' type siya!
  3. Ano ang tawag sa superhero na mahilig sa gulay? Eh 'di... BAT-choy!
  4. Ano ang tawag sa lumang bear? Eh 'di... BEAR-y Old!
  5. Ano ang tawag sa matandang isda? Eh 'di... Century Tuna
  6. Ano ang paboritong sport ng mga isda? Eh 'di... Fish Ball
  7. Anong bansa ang paboritong pasyalan ng mga isda? Eh 'di... sa FIN-land
  8. Ano ang sabi ng baboy ng nakakita sya ng baka? "Meat tayo!"
  9. Ano ang tawag sa grupo ng mga aso? Eh 'di... ASO-ciation!
  10. Ano ang katabi ng USA? Eh 'di... USB
  11. Ano ang katabi ng Mercury? Eh 'di... 711
  12. Ano sa Japanese ang Tahimik? Eh 'di... Wasabi
  13. Ano ang paboritong palaman ng MMDA? Eh 'di... Traffic Jam!
  14. Bakit bawal umutot sa store ng Apple? Kasi... wala silang Windows
  15. Ano ang fan na hot? Eh 'di... Siling Fan
  16. Ano ang tanong ng baby ulan sa tatay ulan? "Tatay? Ambon ba ako?"
  17. Ano ang tawag sa kotse ni Jollibee? Eh 'di... BEE-M-W!
  18. Ano ang tawag sa doctor ng mga isda? Eh 'di... FISHician!
  19. Saan nagpapagupit ang mga tupa? Eh 'di... sa Baa-baa shop!
  20. Anong room ang walang pinto at bintana? Eh 'di... mushROOM!
  21. Ano ang tawag sa gamot ng mga baboy sa sugat? Eh 'di... OINKment!
  22. Bakit maswerte ang kalendaryo? Kasi maraming siyang date
  23. Bakit malungkot ang kalendaryo? Kasi bilang na ang araw niya
  24. Ano ang binibigay ng doktor sa ibong may sakit? Eh 'di... TWEETment
  25. Anong ang tawag sa hayop na hindi kumakain? Eh 'di... gutom
  26. Anong paboritong scene ng asukal sa movie? Eh 'di... sweet moments!
  27. Ano ang whole name ni Cedie, ang Munting Prinsipe? Eh 'di... Cedie R. King
  28. Ano ang tawag sa jacket na hindi happy? Eh 'di... Malung-coat!
  29. Ano ang sabi ng isda nang hiwain siya sa gitna? Eh 'di... I’m Tuna (two na).
  30. Ano ang paboritong handa sa birthday ni Superman? Eh 'di... Supperman!
  31. Ano ang tawag sa sakit ng mga martial artist? Eh 'di... Kung Flu!
  32. Saan iniiwan ng mga aso ang kotse nila? Eh 'di... sa BARKing lot!
  33. Anong gulay ang marunong maglaro ng bilyar? Eh 'di... Cue-Cumber!
  34. Ano ang pwede mong gawin sa gabi na hindi pwede sa umaga? Eh 'di... Magpuyat!
  35. Ano ang paboritong TV show ng mga itik? Eh 'di... DUCKumentaries!
  36. Ano ang sabi ng bangus nang piniprito na sya? I’m daing (dying)!
  37. Anong key ang nakakabukas ng saging? Eh 'di... Monkey
  38. Ano ang puno na hindi mo pwedeng akyatin? Eh 'di... Yung nakatumba!
  39. Ano ang pinagmulan ng UTOT at TULA? Eh 'di... Poet!
  40. San nagtatrabaho ang mga isda? Eh 'di... sa ofFISH! (office)
  41. Bakit malungkot kapag undas? Kasi 'pag binaliktad mo... Sadnu
  42. Ano ang kabaliktaran ng kaluluwa? Eh 'di... Kalulunok!
  43. Saan nagdedeposit ang mga bampira? Eh 'di... sa Blood Bank!
  44. Ano ang apelyido ni Sisa? Eh 'di... Mistrit! (Sisa Mistrit)
  45. Ano ang tawag sa fake na isda? Eh 'di... Arti-FISH-al!
  46. Ano ang tawag sa maliit na aso? Eh 'di... kapirASO
  47. Ano ang tawag sa maliit na pusa? Eh 'di... CATiting
  48. Ano ang tawag sa maliit na kambing? Eh 'di... kapirangGOAT
  49. Ano ang tawag sa maliit na bull? Eh 'di... BULLilit
  50. Ano ang tawag sa maliit na panda? Eh 'di... PANDAk

Sa bawat biro at tawa na ibinibigay ng mga Tatay, tunay na nagiging mas maligaya ang buhay. Bilang isang tatay, ang ating goal ay makapag dulot ng kasiyahan sa ating pamilya, at ang mga dad jokes ay isa sa mga paraan upang gawin ito.

Sana ay nasiyahan at napatawa namin kayo sa mga funny dad jokes na ito! Patuloy lang nating ipagpatuloy ang pagbibigay ng ligaya at kasiyahan sa bawat isa. Salamat sa pagbasa at hanggang sa susunod na kwento! 😄


Leave a comment

×
BUY 2 SHIRTS GET 1 DAD HAT You can choose any design of free dad hat
Free Shipping with Minimum Order
Secure and Fast Checkout
100% Satisfaction Guarantee
BUY 4 GET 1 MUSCLE TEE You can choose any design of free muscle tee
BUY 2 SHIRTS GET 1 DAD HAT You can choose any design of free muscle tee
BUY 4 MUSCLE TEES + 1 FREE You can choose any design of free muscle tee
FREE SHIPPING NATIONWIDE Free shipping for all orders worth over ₱1,500
ENJOY YOUR DISCOUNT Cannot be combined with other promotions
BUY 1 HOODIE GET FREE HAT You can choose any design of free dad hat
FREE CAP BOX Get a free cap box when you buy our dad hat